Good News po, mga Tanaueño!

Good News po, mga Tanaueño! Isa na namang kawani ng Pamahalaang Lungsod ang muling nagpakita ng katapatan para sa ating kababayan kung saan nagsauli ng IPhone at perang nagkakahalaga ng P3,500 si Ms. Celia Macaraig ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) nitong Martes, ika-11 ng Oktubre.
Ang naturang pera at gamit ay napulot ni Macaraig habang nagwawalis sa tapat Ministop sa Tanauan Downtown at ipinagbigay-alam sa kaniyang supervisor na si Allan Vergara. Sa pamamagitan ng agarang aksyon ng tanggapan ng CENRO ay tagumpay na naibalik ito kay Mr. August Javier Millanes.
Ang pambihirang pagkakataong ito ay patunay na tapat sa sinumpaang tungkulin ang ating mga kawani sa City Government of Tanauan. Nawa’y magsilbing inspirasyon si Celia at ang tanggapan ng CENRO sa upang patuloy na gawin ang mabuti at tama para sa ating kapwa at mahal na lungsod.
By: Ranch
Previous LOOK | As part of #UCLGCongress in Daejeon City, South Korea, our City Mayor Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved