Davies Paints Philippines Business Development.

Mas pinagandang mga tulay at kalsada ang maaaring asahan ngayon ng ating mga Tanaueño matapos ang tagumpay na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Davies Paints Philippines.
Sa pagbisita nina Davies Paints Philippines Business Development Supervisor Mr. Vermont Jeff C. Latay at Business Development Officer Mr. Aaro Cezar M. Marquez, kanilang ginarantiya ang libreng pagpipintura ng mga tulay at mga pedestrian overpass sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.
Taos pusong ipinaabot din ng ating Mayor Sonny ang pasasalamat sa naturang kumpanya para sa kanilang kontribusyon sa pagpapanumbalik ng kagandahan ng ating Lungsod.
Previous Tanauan Kanlungan Center!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved