Tanauan Kanlungan Center!

Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes, magtutulungan para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng Tanauan Kanlungan Center!
Bumisita ngayong araw si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes sa Tanauan Kanlungan Center upang personal na makumusta ang mga bata na nasa pangangalaga ng ating Lokal na Pamahalaan.
Namahagi rin ng munting regalo katulad ng gamit pang-eskuwela, gift packs at iba pang kagamitan na kanilang magagamit pang-araw araw.
Bahagi rin nito ang Tanauan City Ladies Club na pinangunahan nina Mrs. Christine Nones, Leah Gutierrez at Nila aguilar upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na maiparamdam sa mga bata ang kalinga at suporta ng ating Lokal na Pamahalaan at mga pribadong sektor.
May inihanda namang awitin at munting sayaw ang mga bata bilang pasasalamat sa kanilang mga bisita. Nangako naman si Atty. Cristine na makikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod upang mapaayos at mapaganda ang pasilidad na kanilang tinutuluyan. Maglalagay rin ng mga palaruan na magsisilbing libangan at palaruan ng mga bata.
Previous Proposed 2023 SEF Budget

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved