Bagong Processing Facility para sa Magsasakang Tanaueño, magkatuwang na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, DOST at DA-PRDP
Bilang tugon sa pagpapalakas ng agrikultura at kooperatiba sa Lungsod, magkatuwang na inihandog ng Pamahalaang Lungsod sa panguguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, kasama ang DOST CALABARZON at Department of Agriculture-CALABARZON ang bagong Processing Facility para sa Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (MTAMC) ngayong araw, sa Brgy. Janopol Oriental.
Bukod sa imprastruktura, naghatid din ang mga nasabing ahensya ng mga makinarya na makatutulong sa MTAMC na mapaunlad at maghatid-kita ang kanilang Mango and Calamansi-based products para sa mga miyembro nito.
Ang proyektong ito ay bahagi rin ng agricultural sustainability program ng lokal na pamahalaan katuwang ang Office of the City Agriculturist sa pamumuno ni Mr. Sherwin Rimas kung saan 75 magsasakang Tanaueño miyembro ng MTAMC ang kasalukuyang tinutulungan na makapagtanim ng puno ng manga at kalamansi.
Ipinaalala naman ng ni Mayor Sonny ang kahalagahan ng Product Marketing Strategy at nangakong makikipagtulungan sa nasabing kooperatiba at sa iba pang mga sangay ng pamahalaang lokal at nasyunal upang mapanatili ang kalidad ng kanilang produkto na tatangkilikin sa merkado.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing pagpupulong sina DOST Regional Director Emelita P. Bagsit, DOST Batangas Provincial Director Felina Malabanan, Department of Agriculture–Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Region 4A Deputy Project Director Engr. Redelliza A. Gruezo, Third District of Batangas Chief of Staff Atty. King Collantes, City Administrator Wilfredo Ablao, Chair Committee on Agriculture Kon. Herman De Sagun, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, MTMAC President Maricar Maranan at mga kawani mula sa Provincial Agriculture Office.