Consultation Meeting, Mayor Sonny

Consultation Meeting of PADAC and CADAC on Effective Program Implementation Against Illegal Drugs

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Consultation Meeting of PADAC and CADAC on Effective Program Implementation Against Illegal Drugs
Pinangunahan ng LYDO – Tanauan City ang Coordination Meeting patungkol sa pag-aangat ng functionalities ng mga miyembro ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) kasama ang Tanauan City Anti-Drug Abuse Council.
Naging sentro ng pulong ang mga hakbang at alituntuning kailangan isagawa upang maihatid ang maayos, matuwid at makataong mga programa kabilang na ang Community-Based Rehabilitation, Preventive Education at multi-sektoral na pagkonsulta. Tinalakay rin ang balikatan ng mga programang Balay Silangan Program, PNP-SIPAG, Katatagan, Kalusugan at Damayan sa Komunidad (KKDK) ng BJMP, para sa misyong maging Drug Free Community ang mahigit tatlumpung barangay sa lungsod.
Kaugnay nito, ipinabatid naman ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kanyang buong suporta sa mga interbasyon, programa at aktibidad na ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang iba’t ibang ahensiya ukol sa epektibong implementasyon ng DILG Joint Memorandum Circular No. 2018-01 sa lahat ng barangay sa Tanauan.
Dinaluhan din ito ng mga opisyal mula sa PDEA, BJMP, PNP-Tanauan, CDRRMO, DILG Batangas, at nina CLGOO Ms. Charlotte Flor S. Quiza, LYDO Head Mr. Rexander Quimio, City Administrator Wilfredo “Dodong” Ablao at Department Managers ng Pamahalaang Lungsod.
Previous Karagdagang Suplay ng Pentavalent Vaccines para sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved