Pentavalent Vaccines , Tanauan

Karagdagang Suplay ng Pentavalent Vaccines para sa Lungsod ng Tanauan

Karagdagang Suplay ng Pentavalent Vaccines para sa Lungsod ng Tanauan, ipinaabot ng Family Vaccine and Specialty Clinics Inc. (FVSC)!
Pinangunahan ni City Administrator Mr. Wilfredo Ablao bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Health Office at Mr. Floro Mendoza ang handog na Pentavalent Vaccines ng Family Vaccine and Specialty Clinics Inc. sa pangunguna nina FVSC General Manager Arlene Joy Castor at FVSC Business Development Associate Arianne L. Cutamora.
Ang naturang bakuna ay isang Pedia 5 in 1 Vaccine na makatutulong para mabigyang lunas ang mga sakit katulad ng Diphtheria, Tetanus, Pertussis at Hepatitis B.
Taos pusong nagpasalamat naman si City Administrator dahil ang mga supplies na ito ay tiyak na magagamit upang mapaigting ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan.
Previous Distribution of School Bags and Supplies, Barangay Mabini

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved