Congratulations Daycare Graduates!

Congratulations Daycare Graduates!
Isang masayang seremonya ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang ating Child Development Workers para sa pagdiriwang ng Pagtatapos ng ating mga Daycare Center students sa Poblacion 1 and 2 na mayroong Temang “Child Development Center: Moving Up 2023”.
Kasabay nito ang inihandang Special Number ng mga chikiting na talaga naman nagpasigla sa nasabing seremonya. Present dito ang mga magulang na kasama ng mga batang tumanggap ng sertipiko mula sa ating Punong Lungsod para sa kanilang pagtatapos.
Sa isang mensahe, inilahad ni Mayor Sonny na patuloy ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod upang suportahan ang mga mas magandang bukas para sa mas maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan isang pagpupugay at pagbati sa inyong lahat!
Previous Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at mga Partnered Hospitals, magtutulungan para sa sistematikong implementasyon ng C-Card!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved