Libreng Beauty Care Training para sa mga Tanaueña

Training on Beauty Care, inihatid ni Mayor Sonny at ng Ccldo Tanauan
Binisita nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ngayong araw sa Gov. Modesto Castillo Memorial Cultural Center ang isinasagawang Libreng Beauty Care Training para sa ating 25 mga Tanaueña mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod.
Inisyatibo ito ni Mayor Sonny, katuwang ang Tanauan City Cooperatives and Livelihood Office (CCLDO) na layong mabibigyang-kaalaman ang ating mga kababayan pagdating sa proper Hair Rebonding at Hair Coloring na maaari nilang pagkakitaan.
Habang ang nasabing pagsasanay ay tatagal ng limang (5) araw kung saan magkakaroon din ng Culminating Activity upang sukatin ang kanilang mga natutunan.
Previous KALIPI Federation of Tanauan Meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved