City Environment and Natural Resources Office (CENRO) weekly Clean up drive sa ilog na bahagi ng Brgy. Poblacion 1

Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng weekly Clean up drive sa ilog na bahagi ng Brgy. Poblacion 1 alinsunod sa inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang pakikiisa sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation program.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina CENRO Department Head MN . Enrico Javier, Asst. Department Head Ariel Bathan, Executive Assistant Marklin Rustia at ilang mga kawani ng tanggapan at ang Philippine National Police – Tanauan City.
Layon ng programa na paigtingin ang rehabilitasyon at kalinisan sa bahagi ng San Juan River na nakapaligid sa mga Barangay sa Tanauan kung saan dumadaloy ang naturang ilog patungong Manila Bay.
Previous Christmas Chill Night Party ng FPIP.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved