Pakikipagtulungan sa mga investors sa ating Lungsod, binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Christmas Chill Night Party ng FPIP.
Dumalo at nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa isinagawang Christmas Chill Nights ng First Philippine Industrial Park sa Sto. Tomas Batangas.
Sa bawat empleyado na dumating sa nasabing programa ay nag bahagi ng magandang mensahe ang ating butihing Mayor kung saan kaniyang pinuri ang nasabing kumpanya dahil sa binuksan nitong oportunidad hindi lamang sa maraming Batangueรฑo pati na rin sa ating mga Tanaueรฑo upang magkaroon ng magandang kabuhayan.
Kasabay nito ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa iba’t ibang mamumuhunan sa Tanauan upang isulong ang magandang ugnayan na magiging kaagapay sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan at pagtutulungan na mapaunlad ang ekonomiya ng mahal nating Lungsod.
Pinasalamatan naman ni Congresswoman Maitet ang FPIP dahil sa napakalaking kontribusyon nito sa mga mamamayan sa ating Lalawigan. Habang, susuporta rin ito upang mas mapalawak pa ng naturang kumpanya ang kanilang ibinibigay na oportunidad at magandang bukas sa ating mga kababayan.