Accomplishment Report ng mga Frontline Offices, bahagi ng talakayan sa ginanap na City Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting!
Bilang Chairperson ng City Disaster Risk Reduction and Management Council si Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang pinangunahan ang 2nd Quarterly Meeting ngayong araw para talakayin ang mga paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa mga sakuna at kalamidad na posibleng kaharapin ng ating Lungsod.
Bahagi ng diskusyon ang Accomplishment Report ng 2nd Quarter ng taon kung saan iba’t ibang mga aktibidad ang iniulat ng mga Frontline Offices para sa mga naisagawang Emergency Response at Rescue Operation sa Lungsod.
Pinagtuunan din ng pansin ang naganap noong nakaraang Linggo sa Lawa ng Taal kung saan may mga namataang Buga o Pumice Rock sa Lawa kung saan nilinaw ng eksperto mula sa PHIVOLCS na ang nakitang Buga ay isa lamang Natural Phenomena bunsod ng malakas na pag-ulan na nadala sa pampang dahil sa malakas na pag-alon.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng Pamahalaang Lungsod ang posibleng mga aktibidad at mas malawak na mga programa para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan sakaling may mga sakuna at kalamidad na paparating.