2-Day Mushroom Production Training, inilunsad sa Lungsod ng Tanauan
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan at Sangguniang Barangay ng Cale, naging matagumpay ang inilunsad na 2-Day Mushroom Production Training para 100 mga magsasaka sa Lungsod ng Tanauan.
Ito ay dinaluhan iba’t-ibang miyembro women’s group ng Barangay Darasa at Boot, academe, miyembro ng mga farmers’ association at iba pang indibidwal na interesado sa pagkakabute.
Ang mga interesadong grupo ay pagkakalooban din ng mga inisyal na mayeryales para makapagproduce ng 1,000 na fruiting bags para masimulan ang kanilang pagnenegosyo.
Layunin nitong palalakasin ang sektor ng agrikultura sa ating Lungsod sa pamamagitan ng paghahatid ng proper technical training at actual production na inaasahang maghatid ng karagdagang pagkakakitaan para sa bawat magsasaka.