Cash Gift para sa 10 Tanaueñong Centenarian

Cash Gift para sa 10 Tanaueñong Centenarian, inihatid ni Mayor Sonny at ng DSWD Region IV-A
10 centenarians ng Lungsod ng Tanauan ang kasalukuyang hinandugan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan CSWD at DSWD Region IV-A ng cash gift ngayong araw.
Kasama ang kanilang mga kaanak, personal na ipinaabot ni Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang P100,000 para sa kanilang kaanak na edad 100 pataas.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng RA 10868 o Centenarians Act of 2016 sa Lungsod ng City Government of Tanauanauan na layong bigyang-pagkilala sa pamamagitan ng paghahatid ng mga karagdagang benepisyo para sa ating mga kababayan.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ni Mayor Sonny na maiparamdam ang pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng mga Senior Citizen sa Tanauan tulad ng pagbababa sa bawat barangay ng mga Birthday Gifts para sa kanila ngayong Marso.
Previous Tulong pinansyal para sa higit 900 mga Tanaueño handog ng Pamahalaang Lungsod.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved