Mayor Sonny Perez Collantes , Tanaueño

Tulong pinansyal para sa higit 900 mga Tanaueño handog ng Pamahalaang Lungsod.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes katuwang ang Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng tulong pinansyal para sa higit 900 mga Tanaueño
Higit 900 mga Tanaueño ang kasalukuyang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa patuloy na pakikipagtulungan ng Tanggapan ng mga Mamamayan at Tanauan Local Social Welfare and Development sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Department of Social Welfare and Development Region IV-A.
Naging bahagi rin nito sina Tanauan City Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at Third District Chief of Staff Atty. King Collantes upang magpaabot ng suporta sa mga ganitong uri ng programa at maging katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa ating mga kababayan.
Sa kasalukuyan, ilan lamang ito sa mga inisyatibo programa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang matugunan at masigurong naipapaabot ang bawat pangangailangan ng mga mamamayang Tanaueño.
Previous 2-Day Gender Responsive Orientation sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved