Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan Batangas Bonsai Society.

Bonsai Exhibit para sa mga Tanaueño

Bonsai Exhibit para sa mga Tanaueño, bukas na simula ngayong araw sa Plaza Mabini!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Tanauan Batangas Bonsai Society (TABBOSOC), pormal nang binuksan ngayong araw ang week-long Bonsai Exhibit sa Plaza Mabini kaugnay sa selebrasyon ng 22nd Tanauan Cityhood.
Sa mensahe kaniyang mensahe, taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa patuloy na pakikibahagi ng samahan sa mga pangkomunidad na aktibidad ng Lungsod at nangakong patuloy na susuportahan ang industriya katuwang ang mga Tanaueñong nais matutuhan at gawing kabuhayan ang nasabing larangan.
Bukod dito, ibinahagi rin ni TABBOSOC President Mr. Jojo Natividad at Southern Luzon Bonsai Alliance Society Vice President Mr. Joel Castro na magsasagawa rin ang kanilang samahan ng libreng seminar lectures para sa mga Tanaueñong nais matuto ng paggawa ng mga bonsai simula ika-08 hanggang ika-10 ng Marso.
Previous Pagsulong ng Halal Higher Food Standard para sa ating Slaughterhouse

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved