Pagsulong ng Halal Higher Food Standard para sa ating Slaughterhouse, tinalakay nina Mayor Sonny kasama ang Department of Agriculuture!
Sa pagpapaigting ng mas malinis na proseso sa pagkakatay ng mga karne para sa ating Slaughterhouse, binigyang pansin kaninang umaga ang layunin ng Pamahalaang Lungsod na maging Halal Higher Food Standard ang ating pasilidad upang makahikayat ng mga mamimili mula sa ating mga karatig bayan at Lungsod partikular sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Agriculture USEC Engr. Zamzamin L. Ampatuan, malaki ang magiging kontribusyon ng pagiging Halal Certified ng ating Lungsod sa paglago ng ating Lokal na Ekonomiya. Dagdag pa niya, kapag rumami ang naiaangkat na karne sa mga Public Market sa ibang lugar lalaki rin ang posibilidad na rumami ang mabibigyan ng hanapbuhay sa Lungsod ng Tanauan.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Mayor Sonny ni Mayor Sonny na magsisilbi ang nasabing pasilidad bilang Training Ground para sa mga kababayan nating nagnanais matuto ng wastong pagkatay ng karne na malaki ang magiging kapakinabangan upang magamit ng ating mga kababayan para makapaghanap-buhay sa ibang bansa.