Athletic Association, Tanauan

2023 Regional Athletic Association Meet

TINGNAN | Mga koponang pambato ng Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang naghahanda na para sa 2023 Regional Athletic Association Meet; Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng suportang pinansyal para sa ating mga manlalarong Tanaueño.
Isinagawa ngayong umaga sa harap ng New Tanauan City Hall ang send-off ceremony katuwang ang Tanauan City Schools Division Office para sa higit 300 mga mag-aaral na Tanaueño na nakatakdang lumahok sa iba’t ibang sports category para sa 2023 Regional Athletic Association Meet.
Ang nasabing mga atleta ay nakatakdang makipagtunggali sa mga kinatwan ng mga bayan mula sa CALABARZON simula ngayong araw hanggang ika-16 ng Abril sa Dasmariñas, Cavite.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, pabaon namin ang buong suporta at pagmamahal ng Lungsod ng Tanauan! Let’s make our Tanaueños proud and bring home the trophy!
Previous Pagpapakilala ng turismo sa Lungsod ng Tanauan kasama ang mga Tanauan Resort Owners!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved