Blood Donation Drive bilang bahagi ng ika- 123rd Philippine Civil Service Anniversary

Blood Donation Drive bilang bahagi ng ika- 123rd Philippine Civil Service Anniversary, aktibong nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-123 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, isinagawa ngayong araw ang Blood Donation Drive ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na may temang “Dugong may Malasakit, May Buhay na Masasagip” kung saan aktibong nilahukan ito ng mga Department Managers at mga kawani ng ibaโ€™t ibang tanggapan.
Personal din na binisita at kinumusta ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga Blood Donors kabilang na ang mga organizers nito na mula sa Human Resource Management and Development Office (HRMDO) at City Health Office (CHO), katuwang ang Philippine Red Cross – Tanauan City.
Layunin nito na makalikom ng maraming dugo bilang karagdagang suplay para sa ating Lungsod upang makatulong sa ating mga kababayan para sa kanilang medikal na pangangailangan.
Previous Interview and Orientation ng Food for Work Program

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved