Lakeshore Workers, Lungsod ng Tanauan

Bigas para sa mga Lakeshore Workers, ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Bigas para sa mga Lakeshore Workers, ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Bagaman maulan, personal na binisita ni TWCC President Atty. Cristine Collantes na kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang ating 16 na lakeshore workers sa Sabang Eco Park ngayong umaga upang ipaabot ang tig-sampung kilong bigas (10 kls) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Bilang pasasalamat sa dedikasyong inilalaan ng ating mga manggagawa, nauna na ring nagpaabot si Mayor Sonny ng mga multivitamins upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at mga cleaning materials para sa kanilang pagtatrabaho.
Samantala, kabahagi rin sa nasabing aktibidad ay ang ating City Tourism Unit na katuwang ng ating Lungsod sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng Lawa ng Taal at sa bawat lakeshore barangays na nasasakupan nito.
Previous Team Building Seminar para sa mga Kababaihan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved