Team Building

Team Building Seminar para sa mga Kababaihan

Team Building Seminar para sa mga Kababaihan, inihatid ni TWCC Atty. Cristine Collantes at Ccldo Tanauan
Mula sa inisyatibo ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Tanauan CCLDO, kasalukuyang inihatid simula ngayong araw ang Team Building Seminar para sa higit 50 miyembro ng Unified Women’s Organization of Malaking Pulos a pangunguna ni Kapitana Betty Garcia.
Sa mensahe ni Atty. Cristine bilang kinatawan din ni Mayor Sonny Perez Collantes, ibinahagi niya ang ilan sa mga programa ibinababa sa Brgy. Malaking Pulo partikular na ang mga skills training na layong bigyan ng sustainable livelihood ang ating mga ilaw ng tahanan.
Bukod pa rito, binanggit din ni Atty. Cristine na palagiang bukas ang Tanggapan ng mga Mamamayan at Tanauan CCLDO para sa mga nais magsimula ng pangkabuhayan at matuto pagdating sa pagnenegosyo.
Samantala, kabilang sa mga pagsasanay na isinagawa ng ating mga kababaihan ay ang Communication Skills, Cooperation, Leadership, at Building Trust.
Previous Panibagong 11 mga Tanaueño ang napagkalooban ng tulong pinansyal.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved