banal na misa, Mayor Sonny Perez Collantes

Banal na Misa para sa unang Biyernes ng buwan ng Pebrero.

Banal na Misa para sa unang Biyernes ng buwan ng Pebrero.
Dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang matagumpay na idinaos na misa para sa unang Biyernes ng buwan ng Pebrero sa New Tanauan City Hall, ngayong umaga.
Ito ay pinangunahan ni Fr. Joeden Tenorio Rev. Fr. Jose Dennis Tenorio mula sa St. Augustine Parish
kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad. Naging laman ng misa ang kahalagahan ng muling pag-alala sa ating Panginoon at ang kaakibat nitong mahalagang turo ng pagkakaroon ng pusong mapagkumbaba sa ating kapwa.
Ang banal na misa ay bahagi ng regular na aktibidad ng City Government of Tanauan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the Secretariat at Human Resource Management and Development Office upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa patuloy na paggabay nito sa lahat ng mga kawani na nagseserbisyo at naglilingkod sa ating mga kababayan.
Previous LGBTQIA+ handang tumulong para sa 22nd Tanauan Cityhood Anniversary!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved