Negosyo, trabaho at serbisyo publiko, mas pagtitibayin ni Mayor Sonny

Negosyo, trabaho at serbisyo publiko, mas pagtitibayin ni Mayor Sonny, katuwang ang ARTA Southern Luzon!
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw sina Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga opisyales ng Anti-Red Tape Authority Southern Luzon sa pangunguna nina Regional Head Dr. Karl Joseph Sanmocte at Project Development Officer Ms. Jhana Aira Penales upang talakayin ang pagpapatibay ng Republic Act 11032 sa Lungsod ng Tanauan.
Para naman sa mas epektibong implementasyon ng RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Effective Delivery of Government Services Act of 2018, nangako ang ARTA Southern Luzon na patuloy silang aalalay at susuporta sa mga programa, aktibidad at hangarin ni Mayor Sonny na mapaunlad ang Lungsod ng Tanauan.
Bukod dito, nais din ng ating Punong Lungsod na maging bahagi ang naturang ahensya sa pagsasagawa ng mga Seminars at Trainings para sa ating mga lingkod bayan at sa mga negosyante sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Oathtaking ng Senior Citizens Association of Santor Officers

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved