Athlete’s Incentives ng Pamahalaang Lungsod handog sa mga Atletang Tanaueño

Mga Atletang Tanaueñong nagwagi sa iba’t ibang pampalakasan, hinandugan ng Athlete’s Incentives ng Pamahalaang Lungsod
Bilang pagbibigay-pugay sa galing ng mga Atletang Tanaueño, personal na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes, katuwang ang Sports Division Office ang Athlete’s Incentives para sa ating mga manlalarong nag-uwi ng iba’t ibang karangalan sa Lungsod.
Kabilang sa binigyan ng suportang pinansyal ay ang ating Tanauan Baseball and Softball Team, Sagwan Tanauan, Chess Players, Taekwondo athletes at iba pang kabataang manlalaro.
Pamamaraan ito ng lokal na pamahalaan upang patuloy na palakasin ang larangan ng sports at masuportahan ang bawat pangarap ng mga Atletang Tanaueño.
Previous Aplikasyon at Interview process para sa Educational Assistance Program

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved