Educational Assistance Program.

Aplikasyon at Interview process para sa Educational Assistance Program

Aplikasyon at Interview process para sa Educational Assistance Program, patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang interview process para sa mga mag-aaral na Tanaueño na bahagi ng Educational Assistance Program ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Barangay Affairs Office.
Sa kasalukuyan, 23 mga Barangay na ang napuntahan ng mga kawani ng BAO upang isailalim sa assessment ang mga target beneficiaries ng nasabing programa.
Hakbang ito ng ating Punong Lungsod upang maghatid ng pinansyal na suporta para mga kabataang Tanaueño mula Elementarya hanggang Kolehiyo.
Para sa karagdagang impormasyon at mga kinakailangang isumiteng dokumento, maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Barangay Affairs sa 2nd floor West Wing, New Tanauan City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City o sa kanilang official Facebook page na

Previous Matagumpay na Signing of Memorandum of Agreement/ Understanding

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved