Local School Board Meeting SEF

2023 2nd Local School Board Meeting SEF Budget.

Aprubadong 2023 SEF Budget, Educational Programs and Equipment Budget Allocation at kasalukuyang estado ng mga ipinatatayong school buildings, tinalakay sa 2023 2nd Local School Board Meeting
Sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyang aprubado na ang 2023 Special Education Fund (SEF) ng Lungsod ng Tanauan matapos ipaasa ito ng mga miyembro ng Local School ngayong araw.
Kabilang din sa inaprubahan ay ang budget allocation para sa Early Childhood Care and Development Program, karagdagang glassboards, reproduction of SHS Learning materials at dagdag pang Learning Support Aides.
Bukod dito, tinalakay rin sa pangunguna ni City Engineer Mr. Roberto Vergara ang kasalukuyang estado ng mga ipinatatayong school buildings sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod kung saan target na magamit sa taong panuruan 2023-2024.
Habang ibinahagi rin nina SDS Mr. Rogelio Opulencia at Mr. Romel Villanueva ang kasalukuyang paghahanda ng koponan ng Tanauan City para sa 2023 Regional Athletic Association Meet.
Previous National Nutrition Council- CALABARZON.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved