Tanaw ang Liwanag Ngayong Pasko | Tanauan City Christmas Concert

Tanaw ang Liwanag Ngayong Pasko | Tanauan City Christmas Concert
Napuno ng kasiyahan ang inihandang Tanauan City Christmas Concert ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kagabi, ika-11 ng Disyembre na ginanap sa First Philippine Industrial Park kung saan ibinida ang iba’t ibang talento ng ating mga kababayang Tanaueño.
Ang nasabing aktibidad ay regalo ng ating butihing Mayor katuwang ang FPIP para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa ating Lungsod. Naging daan din ito para bigyang suporta ang natatanging husay ng ating mga kababayan upang maipakilala sa ating Lalawigan ang napakayamang sining ng mahal nating Lungsod.
Ito ay ilan lamang sa mga programang handog ng Pamahalaang Lungsod bilang tugon sa isang masaya at maliwanag na pagdiriwang ng pasko sa Tanauan.
Previous Suporta para sa Kababaihan, patuloy na isusulong sa Lungsod ng Tanauan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved