DSWD AICS para sa mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito

DSWD AICS para sa mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito, ipinamahagi ni Atty. King Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod at DSWD!
Umabot sa kabuuang 50 na mga Batangueño mula sa iba’t ibang bayan sa ating Distrito ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang DSWD AICS sa pamamagitan ng opisina ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Department of Social Welfare and Development.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes bilang kaagapay ng ating mga kababayan sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance.
Samantala, bukas ang DSWD Satellite Office na matatagpuan sa 1st floor West Wing, Tanauan New City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City Batangas mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Previous DOLE TUPAD

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved