𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗚𝘆𝗺𝗻𝗮𝘀𝗶𝘂𝗺 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗹𝗼 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗦𝗼𝗻𝗻𝘆 𝗣𝗲𝗿𝗲𝘇 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀!
Alinsunod sa maigting na suporta sa sektor ng Edukasyon pinangunahan ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang matagumpay na blessing and turn over ceremony ng bagong school building at Gymnasium para sa Malaking Pulo Elementary School ngayong araw.
Ang 𝐓𝐰𝐨-𝐬𝐭𝐨𝐫𝐞𝐲 Building ay isa sa school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Sa kuwentong ibinahagi ni Mayor Sonny isa ang naturang proyekto bilang katuparan sa kahilingan ng namayapang Kapitan na si Mr. Virgilio Garcia. Aniya, ito ang patunay na binibigyang prayoridad ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga pangangailangan ng bawat Barangay partikular sa mga programang pang-edukasyon na magiging daan at susi sa pagtupad ng mga pangarap at pagiging matagumpay sa buhay ng ating mga kabataan.
Samantala, kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad ang Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo sa pangunguna ni Kap. Adrian Garcia kasama sina Tanauan City SDS Ms. Lourdes Bermudez CESO VI, Assistant School Division Superintendent Dr. John Carlo Paeta, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, CSWD Head Ms. Vicky Javier, Malaking Pulo ES Principal Ms. Teresita De Castro kasama ang mga mag-aaral, guro at mga kawani ng nasabing paaralan.