5-Day Training para sa mga Kabataang Tanaueño ng Bahay Pag-asa

5-Day Training para sa mga Kabataang Tanaueño ng Bahay Pag-asa, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes

Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Tanauan Local Social Welfare and Development, pamunuan ng Bahay Pag-asa at Regional Juvenile Justice and Welfare Council (RJWC), tagumpay na inihatid ang 5-Day seminar training para sa mga kabataang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tanauan City Bahay Pag-asa.

Kabilang sa inihatid na seminar training ni Resource Speaker Ms. Rowena Caraveo ng RJJWC ay ang Drug Awareness, Gender Sensitivity Training, Stress and Anger Management Training at Haircutting para sa 12 Children In-Conflict with the Law (CICLs) ng Lungsod.

Bahagi rin ito ng adbokasiya ni Mayor Sonny alinsunod sa Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act na layong mabigyan ng pantay na karapatan at pagkakataon ang ating mga Child In-Conflict with the Law (CICL) tungo sa mas magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanila.

Previous Ubi Setts para sa mga Kababaihang Magsasaka

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved