Ubi Setts para sa mga Kababaihang Magsasaka

Ubi Setts para sa mga Kababaihang Magsasaka, inihatid nina Mayor Sonny at TWCC President Atty. Cristine Collantes.

Umabot sa tinatayang 100 mga kababaihan ang kasalukuyang nahandugan ng Ubi Setts ngayong araw sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan.

Ang bawat set ay naglalaman ng 8-10 kilos na ubing pananim para sa bawat organisasyon. Bukod sa puhunang pananim, magsasagawa rin ng monitoring assessement, harvest training at processing and production of ubi (purple yam) ang Office of the City Agriculturist upang makabuo ng mga produkto.

Kabilang sa mga organisasyon na naging benepisyaryo sa programang ito ay ang mga sumusunod:

• Rural Improvement Club- Balele
• Rural Improvement Club- Bilog-bilog
• Farmer’s Field School Graduates mula Altura Bata, Malaking Pulo, San Jose, Maugat

• 4Ps Beneficiaries – Brgy. Laurel

Ang inisyatibong ito ay mula sa lokal na pamahalaan at ng Tanauan City Women’s Coordinating Council na layong bigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang sektor ng kababaihan sa Lungsod.

Previous Mas Malaking Pondo sa 2024

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved