Mga Karagdagang Pagawaing Bayan at mga Programang Panlungsod, tinalakay sa 43rd Regular Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Sa ulat-bayan ni Mayor Sonny ngayong 43rd Flag Raising Ceremony, kaniyang malugod na ibinalita na mula aa inisyatibo ni Congw. Maitet Collantes ay kasado na ang Flood Control Program para sa Lungsod ng Tanauan matapos makipagpulong nitong Lunes ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways kasama ang City Engineering Office at City Planning and Development Office.
Tuluy na tuloy na rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan na maaaring mamumuhunan sa ating Lungsod matapos mag-courtesy visit ang mga miyembro ng Philippine-Chinese Chamber of Commerce.
Habang masayang ibinalita rin ng ating Alkalde ang karagdagang oportunidad para sa lokal na ekonomiya ng Tanauan matapos bumisita ang bagong direktor ng Philip Morris na kasalukuyang isinasagawa ang kanilang Plant Expansion.
Samantala, sa paggunita ng Nutrition Month katuwang ang City Health Office, target ng ating Lungsod na makamit ang “Zero Malnourishment” para sa mga batang limang taong gulang pababa sa pamamagitan ng aktibong pamamahagi ng angkop na bitamina para sa kanilang paglaki.
Bumisita rin sa Taangvapan ng Mamamayan si Department of National Defense USec. Marcus Lacanlinao upang pag-usapan ang Disaster Mitigation and Prevention ng Lungsod.
Tinalakay rin nitong linggo ang planong pagpapatayo ng Tanauan City Central Fire Station katuwang sina BFP Provincial Director SUPT Orlando Antonio at CInsp. Rowena Ramos.
Bukod dito, panibagong oportunidad ng trabaho naman sa bansang Japan at South Korea ang ibinahagi ni Mayor Sonny sa ginanap na pagpupulong ng Migrant Workers.
Habang patuloy rin ang pamimigay ng Educational Assistance sa lungsod kung saan higit 1000 ang nakatanggap nito mula Cale Sala Luyos. Inaasahan din na sa darating Miyerkules ay ihahatid ang nasabing programa para sa mga mag-aaral ng Brgy. Pantay Bata, Pantay Matanda at Laurel.