Royal Forest & Villas at Premier Packaging Incorporated

Royal Forest & Villas at Premier Packaging Incorporated, handang makipagtulungan para sa pagpapasigla ng Lokal na Ekonomiya ng ating Lungsod!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang mga kababayan nating investor na sina Mr. Jhonny Lozendo mula sa Royal Forest & Villas at Mr. Marion Allan mula naman sa Premier Packaging Incorporated upang ihayag sa ating Punong Lungsod na handang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod upang mas mapalago ang mga oportunidad sa Tanauan para sa pagpapaunlad ng ating Lungsod at pagbibigay trabaho sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, patuloy na gumagawa ng hakbang ang ating butihing Mayor Sonny kung papaano mas mapapaunlad pa ang Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga kahilingan at pangangailangan.
Previous Husay at talino ng mga kabataang Tanaueño, kinilala ni Mayor Sonny!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved