Tanauan Institute Batch ’83 reunion

IN PHOTOS | Tanauan Institute Batch ’83 reunion
Nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa masayang Grand Reunion ng Tanauan Institute Batch ’83 ngayong araw na ginanap sa Gov Modesto Castillo Memorial Cultural Center.
Bahagi nito, ang pag-alaala sa natatanging kontribusyon ng Tanauan Institute sa pagbibigay pag-asa para sa pagtupad ng pangarap ng bawat Tanaueño.
Kaniya ring pinuri ang matibay na samahan at patuloy na pagtutulungan ng TI Batch 83 Alumni kahit pa may kanya-kanya ng pamilya at karera sa buhay.
Kasabay nito ang kaniyang paghikayat sa bawat isa na maging kabahagi ng Pamahalaang Lungsod para sa paghahatid ng mga programa sa ating mga komunidad.
Previous Kabuuang 875 na Tanaueñong mag-aaral mula sa Brgy. Pagaspas ang nabigyan ng Educational Assistance

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved