Darasa Rural Waterworks and Sanitation Association, Inc.

40th Anniversary of Darasa Rural Waterworks and Sanitation Association, Inc.

Personal na bumisita at nagpaabot ng pagbati ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng Darasa Rural Waterworks and Sanitation Association, Inc. ngayong araw na ginanap sa Bernardo Lirio Central School.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang pamunuan ng DRWSA sa pangunguna ni General Manager Henry Flores sa walang patid nitong serbisyo para sa mga mamamayan ng Darasa. Aniya, ang pagpapaabot ng malinis at ligtas na tubig sa bawat kabahayan ay senyales ng malasakit sa bawat kalusugan ng pamilyang Tanaueño.
Samantala, kabilang din sa nakiisa sa aktibidad na ito si Brgy. Darasa Kap. Lowi Flores at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na katuwang ng DRWSA at Pamahalaang Lungsod sa pagpapabuti ng serbisyo para sa bawat mamamayang Tanaueño.
Sa kasalukuyan, isa ang Darasa Rural Waterworks and Sanitation Association, Inc. sa nagpapaabot ng water services para sa bawat kabahayan sa Brgy. Darasa.
Previous Solar Water Pumps para sa Talaga Barangay Water Service Cooperative

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved