Tanauan, Oathtaking

CGT-City Information Correspondents Oathtaking Ceremony

Mayor Sonny Perez Collantes, pinasinayaan ang CGT-City Information Correspondents Oathtaking Ceremony
Para sa mas malawakang paghahatid-impormasyon sa Lungsod ng Tanauan, pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Oathtaking Ceremony ng CGT-City Information Correspondents na binubuo ng mga kinatawan ng bawat Tanggapan at ahensya sa Lungsod.
Ang inisyatibong ito ay hakbang ni Mayor Sonny katuwang City Information Office upang maipaalam, maihatid at mailapit ang tamang impormasyon patungkol sa mga kaganapan, anunsyo at programang kinakailangan ng ating mga Tanaueño gamit ang social media platforms.
Bukod dito, sa pamamagitan ng ating mga CGT-CICs ay mas mailalapit ang mga suhestiyon at sentimyento ng ating mga mamamayan, alisunod sa Consultative Leadership na kasalukuyang ginagawa sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Sonny.
Para mas updated sa kasalukuyang kaganapan sa loob ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, i-click lamang ang official website ng City Government of Tanauan na https://tanauancity.gov.ph/ at sumali sa ating Viber Community na http://bit.ly/3xnCS4B
Previous Sine Feb-Ibig Caravan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved