Mayor Sonny Perez Collantes

CHAMPION’S PARADE, TAGUMPAY; KARAGDAGANG INCENTIVES SA MGA ATLETA, HANDOG NI MAYOR SONNY!

CHAMPION’S PARADE, TAGUMPAY; KARAGDAGANG INCENTIVES SA MGA ATLETA, HANDOG NI MAYOR SONNY!
Hindi nagpatinag sa maulang umaga ang Tanauan City Baseball and Softball Team upang isagawa ang Champion’s Parade ngayong araw ng Linggo ika-19 ng Pebrero.
Sama-samang pumarada sa kahabaan ng Mabini Avenue ang mga atleta mula sa pitong koponan ng Tanauan kabilang na ang ating mahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-jun Trinidad, mga Barangay Captains, Baseball and Softball Coaches, Department Managers at mga Parents.
“Nag-uumapaw ang aking kaligayahan dahil sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon isang LGU na sa regional game, lahat ng division ay nag-champion, at yun ang Tanauan!” aniya Mayor Sonny.
Labis naman ang pasasalamat ng mga players, magulang at coaches dahil sa buong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa kanilang sinalihang liga. Nakatakda naman na humarap ang Team Tanauan City sa National Championship sa Abril kaharap ang mga nag-kampeon sa Visayas at Mindanao.
Samantala, inihayag din ni Mayor Sonny na bukod sa nakatakdang ordinansa ng Pamahalaang Lungsod ukol sa benepisyong matatanggap, personal pang hahandugan ng pamilya Collantes ng karagdagang incentives ang bawat atleta dahil sa kanilang makasaysayang panalo.
Previous Sagwan Tanauan Dragon Boat Team PCKDF 2023

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved