26th Flag Raising Ceremony, Tanauan City, Sonny Perez Collantes.

26th Flag Raising Ceremony

Women’s Month Kick-Off Ceremony at Interbasyon ng Pamahalaang Lungsod patungkol sa Nationwide Jeepney Strike, tinalakay sa ika-26 na Flag Ceremony
Kaugnay ng selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso, pinangunahan nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Tanauan Women’s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes ang ika-26 na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan.
Kabilang din sa selebrasyon ang mga sumusunod na aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang iba’t ibang Tanggapan tulad ng City Health Office, City Social Welfare and Development at GAD-Tanauan City.
• Blood Letting Activity
• Free Pap Smear
• Free Ligation
• Serbisyo para kay Juana (discounts and promos)
• Libreng Sakay para sa mga Tanaueña
• Women’s Mini Olympics
• Skills Training for Women
• Webinar on Cervical Cancer
Habang sa ulat-bayan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, kaniyang ibinahagi ang buong pusong pagsuporta sa lahat ng mga kababaihan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga programang magpapalakas sa kanilang karapatan at pangangalaga sa kanilang sektor.
Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang pagsuspinde ng Face-to-face classes sa lahat ng ng antas alinsunod sa Nationwide Jeepney Strike. Habang nakaantabay naman ang Barangay Vehicles ng lokal na pamahalaan para sa mga kababayang apektado ng nasabing strike.
Happy Women’s Month, Tanaueño!
Previous PANGANGALAGA SA TAAL LAKE, PAIIGTINGIN

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved