Philippine Statistics Authority at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, magkatuwang na inilunsad ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF)!
Kasalukuyan nang isinasagawa ngayong buwan ng Setyembre ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF) sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region IV-A katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na alamin ang basic data at caharacteristics ng sektor ng agrikultura, aquaculture at pangingisda sa ating Lungsod.
Ayon kay Mayor Sonny Perez Collantes, mahalaga ang pagsasagawa ng nasabing survey upang magsilbing sanggunian ito ng mga ating lokal at nasyunal na pamahalaan sa bansa sa pagbababa ng naaangkop na programa para sa mga magsasaka at mangingisda. Dagdag pa rito, mas komprehensibong matutukoy rin ang kinakailangang pasilidad at serbisyo ng naturang sektor.
Habang ayon naman kay Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na Vice Chairperson ng Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, ang makakalap na datos ng PSA ay maaaring magsilbing gabay ng Kongreso upang makagawa ng karampatang mga panukalang batas upang palakasin ang industriya at ekonomiya ng pagsasaka at pangingisda sa ating bansa.