Flag Raising Ceremony

Paglulunsad ng SIGLAWUAN 2023 at iba’t ibang aktibidad bilang pakikiisa sa ika-123 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, bahagi ng Lingguhang Ulat Bayan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Kasabay ng regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas, kasama sa iniulat ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pakikipagpulong sa Natatas Vendor nitong nakaraang Linggo upang mas maging maayos ang kanilang puwesto at hindi makakaabala sa daloy ng trapiko.
Kaniya ring nabanggit ang pagpapaabot ng tulong pinansyal sa higit 300 nating mga kababayan bilang tugon para sa kanilang mga tustusin sa kanilang mga pangangailangang medikal.
Bilang bahagi naman ng Selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ng Flu Vaccination para sa mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan. Kasabay nito, kasama ang Philippine RedCross – Tanauan naglunsad din ng Blood Donation Drive para sa mga kawani na may temang “Dugong May Malasakit, May Buhay na Masasagip”.
Kaniya ring pinasinayaan ang naganap na Graduation Ceremony ng mga Tanaueñong sumailalim sa Libreng Skills Training Program ng Pamahalaang Lungsod kung saan 113 ang nakatapagtapos para sa iba’t ibang Technical at Vocational Courses.
Sinimulan na rin ang Food for Work Program Interview and Assessment sa ating mga kababayang naninirahan sa mga Lakeshore Barangay na apektado ng Degassing Activity ng Bulkan.
Sa kauna-unahang pagkakataon naman, isinagawa nitong Sabado ang 1st Marian Fluvial Parade at Karakol Dance Presentation
sa Barangay Gonzales. Gayundin ang masayang SIGLAWUAN 2023 na inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan bilang pakikiisa sa Buwan ng Turismo ngayong taon.
Happy Monday, Tanaueños!
Previous Libreng Medical Consultation, inihatid ng Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 at Tanauan Medical Society

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved