Sa kagustuhan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na matulungan ang sektor ng Agrikultura, matagumpay na isinagawang pagsasanay sa “Good Manufacturing Practices (GMP)” na dinaluhan ng 28 miyembro mula iba’t ibang asosasyon at koopeartiba na may kaugnayan sa agrikultura simula ika-20 hanggang 21 ng Setyembre sa Tanauan City Demo Farm, Sitio Dayapan Brgy. Bilog-bilog.
Nagsilbing tagapagsalita ang mga kawani ng Department of Science and Technology (DOST) Batangas kung saan layunin nitong bigyan ng kaalaman ang mga miyembro ukol sa pagbibigay ng tamang alituntunin sa paggawa at pagpoproseso ng produktong pagkain ng mga sumusunod na kooperatiba at asosasyon:
• Tanauan City Rural Improvement Club Agriculture Cooperative – Espasol at macapuno • Tanauan Organic and Natural Farming Association – Banana Chips
• Magsasakang Tanaueño Agriculture Marketing Cooperative -Mango and Calamansi Juice and Puree
• Tanauan City Fishermen Marketing Cooperative – Boneless Marinated Bangus and Fish Lumpia
• Tanauan City Cacao Growers Association – Tablea
• Tanauan City Mushroom Growers Association – Fresh and Crispy Mushroom
• Laurel 4Ps Farmers Workers Association – Turmeric Powder and Atsarang Papaya
Sa pagtatapos, ay nagkaroon ng commitment and DOST Batangas na patuloy na susuportahan ang mga asosasyon at grupong nabanggit upang mas maiangat pa ang mga produktong pang-agrikultura sa Lungsod ng Tanauan.