Audit Entrance Conference ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pinasinayahan ng Regional Commission on Audit (COA) ngayong araw
Para sa dekalidad at mahusay na serbisyong-publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa si Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Audit Entrance Conference ngayong araw, ika-23 ng Setyembre ng Regional Commission On Audit (COA) sa pangunguna nina Supervising Audit Team Regional Auditor Ms. Elena Luarca at Ms. Vanessa C. Briones-Vegas kasama si City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at ang mga department managers ng lokal na pamahalaan .
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga Significant Milestones o Timeline para sa isasagawang Quarter at Annual Auditing sa Pamahalaang Lungsod partikular na sa 13 tanggapan nito. Napag-usapan din ang ibaโt ibang responsibilidad at mga dokumentong dapat ipasa ng bawat departamento na naaayon sa auditing scopes at regulasyon ng COA.
Layunin din nitong masiguradong nakasusunod at nabibigyang-aksyon ang bawat Audit Observations and Recommendations na nakaangkla sa Annual Action Plan and Status of Implementation ng tungo sa pagpapabuti ng bawat serbisyong inihahatid para sa mga mamamayan.
Samantala, nakatakda naman sa ika-02 ng Mayo taong 2023 ang kauna-unahang Annual Audit Report ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.