2-๐๐๐ฒ ๐๐๐ 9001:2015 ๐
๐จ๐ฎ๐ง๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง, ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ!
Nakiisa ang ating City Administrator Wilfredo Ablao sa isinagawang ISO 9001:2015 Foundation Course para sa karagdagan na labing-isang (11) bagong proseso na mga serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
Layon ng aktibidad na paigtingin ang kalidad ng lahat ng mga serbisyong inihahatid sa bawat mamamayan, sa pamamagitan nito maisasakatuparan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang adhikain na mapaunlad ang mahal nating Lungsod at makilala ang ating lokal na pamahalaan na nakasusunod sa dekalidad na pamantayan ng pandaigdigang serbisyo.
Naging bahagi rin nito si Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama ang mga Department Heads at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.