Local Assistance for Individual in Crisis Situation, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!

Local Assistance for Individual in Crisis Situation, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!
Patuloy ang handog na Cash Assistance ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng programang Local Assistance for Individuals in Crisis Situation para sa ating mga kababayang humingi ng tulong pinansyal sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes. Ito ay personal na ipinamahagi ni Atty. King Collantes katuwang ang ating City Treasurer’s Office Head Mr. Fernan Manzanero at City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Ilan sa mga nakatanggap, ang mga kababayan nating dumulog sa Tanggapan ng Mamamayan noong nakaraang linggo upang humingi ng tulong para sa financial, burial at medical assistance.
Bukas naman mula lunes hanggang biyernes ang opisina ng ating Punong Lungsod para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong pinansyal mula sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous NETFLIX and CHILL sa Plaza Mabini? Sagot na namin ‘yan!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved