1st Quarterly Meeting ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc.

Congratulations, Atty. Cristine Collantes!
Sa ginanap na 1st Quarterly Meeting ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc, hinirang si Tanauan City Womenโ€™s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes bilang bagong Executive Vice-President sa buong lalawigan ng Batangas.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kabilang ang Tanauan City na nagkaroon ng opisyal sa PWCC, magiging daan naman ito upang mas mapalawak ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at ni Atty. Cristine ang pagbuo ng mga programang magsusulong upang mabigyang proteksyon at mapangalagaan ang bawat karapatan ng kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.
Muli, sa ngalan ng pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, buong puso naming ipinagmamalaki ang iyong dedikasyon sa serbisyo publiko! Karangalan din naming magkaroon ng isang Lingkod bayan na binibigyang boses ang mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan at maging sa buong Lalawigan ng Batangas.
Previous Training-Orientation on Disaster Preparedness Manual For Localized Weather Disturbances!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved