12,000 na mga Bagong Arm Chairs para sa mga paaralan ng Lungsod ng Tanauan

12,000 na mga Bagong Arm Chairs, handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Pampubliko Paraalan sa Lungsod ng Tanauan!
Kaugnay sa layuning matugunan ang pangangailangan ng 59 na mga pampublikong paaralan, karagdagang 12,000 mga bagong upuan ang tagumpay na nai-turn over ngayong umaga sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at mga kawani ng Tanauan City Schools Division Office sa pangunguna nina SDS Dr. Lourdes Lumbres.
Bahagi ito ng pagsisikap ng ating Punong Lungsod na mahandugan ng komportableng pasilidad at mga kagamitan ang lahat ng ating mga mag-aaral mula Elementarya hanggang Sekondarya.
Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang buong DepEd Tanauan City Family para sa kaarawan ng ating Punong Lungsod at nagpasalamat sa mga inisyatibong inihahatid nito tungo sa dekalidad na edukasyon sa Tanauan.
Previous Pagsulong ng isang Business-friendly Tanauan City

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved