119 na pares para sa Kasalang Bayan 2023

Diwa ng pagmamahalan ngayong araw ng mga puso, ramdam ng ating mga kababayan dahil sa inihandang Kasalang Bayan 2023 ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, umabot sa 119 na pares ang pinag-isang dibdib ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ngayong araw katuwang ang Local Civil Registry sa pamumuno ni Mr. Dante De Sagun.
Naging bahagi rin nito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Vice Mayor Atty JunJun Trinidad kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga Department Managers upang masaksihan ang isa napakahalagang araw sa mga kababayan nating ikinasal.
Sa isang mensahe, ipinaalala ni Mayor Sonny sa bawat isa na gawing sentro ang mahal na panginoon upang tumagal at maging matagumpay ang kanilang buhay bilang mag-asawa. Aniya, “Ilalagay niyo ho sa inyong pagitan bilang mag-asawa ang ating Mahal na Panginoon, maniwala ho kayo o sa hindi kapag kayo ay nahaharap sa malalaking desisyon, kapag kayo ay may mga pinoproblema palagi ho kayong mananalangin sa ating poong maykapal.”
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, kami ay taos pusong bumabati ng maligayang araw ng mga puso at hangad namin ang masaganang buhay sa inyong buhay bilang bagong mag-asawa!
Previous Masayang Valentines Party para sa araw ng mga puso.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved