Masayang Valentines Party para sa araw ng mga puso.

Masayang Valentines Party para sa araw ng mga puso, handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga Senior Citizen!
Hindi mapinta ang tuwa sa mukha ng ating mga Senior Citizen, matapos handugan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ng isang masayang Valentines Party ang kanilang sektor.
Katuwang ang City Social Welfare and Development Office at Office of Senior Citizen Affairs nagkaroon ng makahulugang araw ang kanilang samahan bilang simbolo ng kalinga at suporta ng Pamahalaang Lungsod para sa kanila.
Kaugnay nito, tunay na ipinadarama ng kanila ng ating butihing Mayor ang diwa ng pagmamahalan ngayong araw ng mga puso.
Previous Valentine’s gift na Bulaklak at Tsokolate sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved