Xinyx Unlocked 2023!

Mga mag-aaral mula sa FAITH (College of Engineering), kampyeon sa katatapos lamang na Xinyx Unlocked 2023!

Kasama ang pamunuan ng First Asia Institute of Technology and Humanities, pinuri nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang nakamit na karangalan ng mga mag-aaral na sina Ivan Renz Eser, Vianca Dhenise Vergara at Jafeth Estocado.

Sa ginanap na Xinyx Unlocked sa Muntinlupa City nitong nakaraang taon, nasungkit ng mga mag-aaral ang Grand Champion Title para sa kanilang kakaibang imbensyon na “GestuLearn” (Hand Tracking and Gesture Recognition Technology for Assistive Teaching in Special Education).

Kasabay nito ang pagkilala ni Mayor Sonny sa pamunuan ng nasabing Paaralan partikular sa mga Advisers nito na sina Engr. Adonis S. Santos at Engr. Marco A. Burdeos , na naging gabay ng mga estudyante upang masungkit ang prestihiyosong parangal.

Sa ngalan ng pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, isang taos pusong pagbati sa inyong nakamit na tagumpay!

Previous Implementasyon ng R.A. 9266, mas palalawigin katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes at ang United Architects of the Philippines-Batangas Lakeshore

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved