Kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa Lungsod ng Tanauan, pinangunahan nina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw na dinaluhan ng mga kababaihang kawani ng Pamahalaang Lungsod at mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon.
Bilang pagpapasinaya sa nasabing aktibidad, ibinahagi rin ni TCWCC President Atty. Cristine ang mga inihandang month-long activities para sa mga kababaihan tulad ng mga sumusunod:
• Women’s Mini Olympics ( March 9, 10, 16, 17)
• Women’s Forum (March 6)
• Women’s General Assembly and Awarding Ceremony (March 22)
Bukod dito, nagpaabot naman ng mensahe si Congw. Maitet sa lahat ng kababaihang dumalo kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.
Samantala, kasama sa ulat-bayan ni Mayor Sonny Perez Collantes, malugod na binati nito ang bawat kababaihang dumalo ngayong araw.
Habang, kaniyang iniulat ang mga ginanap na aktibidades nitong nakaraang Linggo:
– Pagbubukas Bread of Hope ng Tanauan City Jail
– Pagsasagawa ng Free Medical Services katuwang ang Regum Christi at Helping Hands Medical Mission Team
– Matagumpay na Audit Exit Conference ng Pamahalaang Lungsod
– Consultative Meeting kasama ang mga mangigisda patungkol sa Temporary Closed Season on Tawilis Capture.
– Matagumpay na Groundbreaking ceremony para sa Warehouse ng Premier Creative Packaging
– Paghahatid ng Libreng Computer Sets sa mga Paaralan katuwang ang Honda Philippines, Inc.
– Matagumpay na pamamahagi ng Local Assistance for Individual in Crisis Situation
– Matagumpay na pagpapaabot ng CHED Tulong Dunong Program para sa mga mag-aaral ng TCC
– Pagpapasinaya ng pag-iisang Dibdib ng ating mga kababayan
– Oral Health Month Celebration
– Pamamahagi ng Educational Assistance para sa ating mga mag-aaral
– Matagumpay na Fire Prevention Month Kick-off Ceremony
– Benchmarking Activity ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel, Misamis Oriental sa ating Lungsod.