Livelihood Training para sa mga Tanaueña, patuloy na inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, TWCC at Union Bank
Tuluy-tuloy ang paghahatid ng mga programang pangkababaihan sa Lungsod ng Tanauan nina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes at Congw. Maitet Collantes matapos isagawa nitong Sabado, ika-15 ng Abril ang Women’s Livelihood Development Program para sa mga Tanaueña mula Balangay ng Kababaihan ng Yakap at Halik Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Bagumbayan.
Ang inisyatibong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan CCLDO at Tanauan City Women’s Coordinating Council katuwang ang Union Bank of the Philippines sa pangunguna ni Relationship Manager Ma. Agnes Adorna at ni Brgy. Bagumbayan Kap. Cesar Magpantay.
Layon ng programang ito na mabigyang-kaalaman at pagsasanay ang ating mga Tanaueña patungkol sa Food Safety at Meat processing sa pamamagitan ni CCLDO Department Manager May Teresita Fidelino na nagsilbing Resource Speaker ng Skills Training na ito.
Bukod dito, tinuruan din ang mga trainees ng ilang pamamaraan ng Packaging at Marketing Strategy na makatutulong sa kanila upang magbigay ng karagdagang kita at hanapbuhay ang mga Processed Meat na kanilang magagawa.